Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:6

وَكَذَٰلِكَ يَجْتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِنْ تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ آلِ يَعْقُوبَ كَمَا أَتَمَّهَا عَلَىٰ أَبَوَيْكَ مِنْ قَبْلُ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Gayon pinili ka ng Panginoon mo, magtuturo sa iyo ng pagpapakahulugan sa mga panaginip, at maglulubos sa biyaya Niya sa iyo at sa mag-anak ni Jacob, gaya ng paglubos Niya nito sa dalawang ninuno mo noon na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam, Marunong.

Tafsir

Gaya ng pagkakita mo sa panaginip na iyon, pipiliin ka, O Jose, ng Panginoon mo, ituturo Niya sa iyo ang paghahayag sa mga panaginip, at lulubusin Niya ang biyaya Niya sa iyo sa pamamagitan ng pagkapropeta gaya ng paglubos Niya sa biyaya Niya sa dalawang ninuno mo, bago mo pa, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam sa paglikha Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah