Surah 12 · Juz 12
Yusuf · 12:5
قَالَ يَا بُنَيَّ لَا تَقْصُصْ رُؤْيَاكَ عَلَىٰ إِخْوَتِكَ فَيَكِيدُوا لَكَ كَيْدًا ۖ إِنَّ الشَّيْطَانَ لِلْإِنْسَانِ عَدُوٌّ مُبِينٌ
Nagsabi ito: "O anak ko, huwag mong isalaysay ang panaginip mo sa mga kapatid mo dahil magpapakana sila sa iyo ng isang pakana. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na malinaw."
Tafsir
Nagsabi si Jacob sa anak nitong si Jose: "O anak ko, huwag kang bumanggit ng panaginip mo sa mga kapatid mo para hindi sila makaintindi nito at hindi sila mainggit sa iyo para hindi sila magpakana sa iyo ng isang pakana dala ng isang pagkainggit mula sa kanila. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah