Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:33

قَالَ رَبِّ السِّجْنُ أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا يَدْعُونَنِي إِلَيْهِ ۖ وَإِلَّا تَصْرِفْ عَنِّي كَيْدَهُنَّ أَصْبُ إِلَيْهِنَّ وَأَكُنْ مِنَ الْجَاهِلِينَ

Nagsabi siya: "Panginoon ko, ang bilangguan ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin. Kung hindi Ka maglilihis palayo sa akin ng pakana nila, makakikiling ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang."

Tafsir

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko, ang bilangguang ibinabanta niya sa akin ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin na paggawa ng mahalay. Kung hindi ka mag-aalis palayo sa akin ng panlalansi nila, kikiling ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang kung kumiling ako sa kanila at pumayag ako sa kanila sa ninanais nila mula sa akin."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah