Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:32

قَالَتْ فَذَٰلِكُنَّ الَّذِي لُمْتُنَّنِي فِيهِ ۖ وَلَقَدْ رَاوَدْتُهُ عَنْ نَفْسِهِ فَاسْتَعْصَمَ ۖ وَلَئِنْ لَمْ يَفْعَلْ مَا آمُرُهُ لَيُسْجَنَنَّ وَلَيَكُونًا مِنَ الصَّاغِرِينَ

Nagsabi ito: "Kaya iyan ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang pinagtangkaan kong akitin siya sa sarili niya, ngunit nagpigil siya; at talagang kung hindi niya gagawin ang ipinag-uutos ko sa kanya, talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya nga ay magiging kabilang sa mga nanliliit."

Tafsir

Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa mga babae noong nakita nito ang dumapo sa kanila: "Ito ay ang binatang namintas kayo sa akin dahilan sa pag-ibig sa kanya. Talaga ngang umakit ako sa kanya at nanggulang ako sa pagpapalisya sa kanya ngunit tumanggi siya. Talagang kung hindi siya gagawa sa hinihiling ko mula sa kanya sa hinaharap ay talagang papasok nga siya sa bilangguan at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga kaaba-aba."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah