Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:110

حَتَّىٰ إِذَا اسْتَيْأَسَ الرُّسُلُ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا جَاءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّيَ مَنْ نَشَاءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ

[Nagpalugit] hanggang sa, nang nawalan ng pag-asa ang mga sugo [na ito] at nag-akala naman sila na ang mga ito ay pinagsinungalingan nga, dumating naman sa mga ito ang pag-aadya Namin at nailigtas ang sinumang niloloob Namin at hindi mapipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin.

Tafsir

Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway nila at hindi Kami nagmamadali sa mga iyon ng kaparusahan bilang pagpapain sa mga iyon. Hanggang sa nang naantala ang pagpapahamak sa mga iyon, nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa kapahamakan ng mga iyon, at nakatiyak ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na parusa para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa kapahamakan na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi napipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah