Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:109
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ مِنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ ۗ أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۗ وَلَدَارُ الْآخِرَةِ خَيْرٌ لِلَّذِينَ اتَّقَوْا ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Hindi Kami nagsugo mula noong wala ka pa kundi ng mga lalaking nagsiwalat Kami sa kanila kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod. Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magmasid sila kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga kabilang sa nauna sa kanila? Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala; kaya hindi ba kayo nakauunawa?
Tafsir
Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaki kabilang sa mga tao, hindi mga anghel. Nagkakasi Kami sa kanila kung paanong nagkakasi Kami sa iyo, kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod, hindi kabilang sa mga naninirahan sa mga ilang. Ngunit nagpasinungaling sa kanila ang mga kalipunan nila kaya nagpahamak Kami sa mga iyon. Kaya hindi ba naglakbay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo sa lupa para magmuni-muni sila kung papaano ang naging wakas ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa mga iyon? Ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa Mundo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa na iyon ay higit na mabuti para mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pananampalataya, at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na ang pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah