Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:76
فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا إِنَّ هَٰذَا لَسِحْرٌ مُبِينٌ
Kaya nang dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na malinaw."
Tafsir
Kaya noong dumating kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito ang Relihiyon na inihatid nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ay nagsabi sila tungkol sa mga tanda Niyang nagpapatunay sa katapatan ng inihatid ni Moises: "Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na maliwanag at hindi katotohanan."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah