Surah 10 · Juz 11
Yunus · 10:75
ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ وَهَارُونَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ بِآيَاتِنَا فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُجْرِمِينَ
Pagkatapos ay nagpadala Kami matapos nila kina Moises at Aaron kay Paraon at sa mga maharlika nito dala ang mga tanda Namin, ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong salarin.
Tafsir
Pagkatapos, matapos ng isang yugto ng panahon ay nagpadala Kami, nang matapos ng mga sugong ito, kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kina Paraon, ang hari ng Ehipto, at sa mga malaking tao kabilang sa mga tao nito. Nagpadala Kami sa kanilang dalawa kalakip ng mga tandang nagpapatunay sa katapatan nilang dalawa ngunit nagpakamalaki sila sa pagsampalataya sa inihatid nilang dalawa. Sila ay naging mga taong salarin dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah