An-Naba

سورة النبأ

Surah 78 · Makki · 40 mga talata

78:1Juz 30 · p. 582

عَمَّ يَتَسَاءَلُونَ1

Tungkol sa ano nagtatanungan sila?
78:2Juz 30 · p. 582

عَنِ النَّبَإِ الْعَظِيمِ2

Tungkol sa balitang dakila,
78:3Juz 30 · p. 582

الَّذِي هُمْ فِيهِ مُخْتَلِفُونَ3

na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.
78:4Juz 30 · p. 582

كَلَّا سَيَعْلَمُونَ4

Aba’y hindi! Makaaalam sila.
78:5Juz 30 · p. 582

ثُمَّ كَلَّا سَيَعْلَمُونَ5

Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.
78:6Juz 30 · p. 582

أَلَمْ نَجْعَلِ الْأَرْضَ مِهَادًا6

Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag
78:7Juz 30 · p. 582

وَالْجِبَالَ أَوْتَادًا7

at sa mga bundok bilang mga tulos?
78:8Juz 30 · p. 582

وَخَلَقْنَاكُمْ أَزْوَاجًا8

At lumikha Kami sa inyo na magkapares.
78:9Juz 30 · p. 582

وَجَعَلْنَا نَوْمَكُمْ سُبَاتًا9

At gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.
78:10Juz 30 · p. 582

وَجَعَلْنَا اللَّيْلَ لِبَاسًا10

At gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.
78:11Juz 30 · p. 582

وَجَعَلْنَا النَّهَارَ مَعَاشًا11

At gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.
78:12Juz 30 · p. 582

وَبَنَيْنَا فَوْقَكُمْ سَبْعًا شِدَادًا12

At nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong matindi.
78:13Juz 30 · p. 582

وَجَعَلْنَا سِرَاجًا وَهَّاجًا13

At gumawa Kami ng isang sulo na nagliliyab.
78:14Juz 30 · p. 582

وَأَنْزَلْنَا مِنَ الْمُعْصِرَاتِ مَاءً ثَجَّاجًا14

At nagpababa Kami mula sa mga dagim ng tubig na bumubuhos
78:15Juz 30 · p. 582

لِنُخْرِجَ بِهِ حَبًّا وَنَبَاتًا15

upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman
78:16Juz 30 · p. 582

وَجَنَّاتٍ أَلْفَافًا16

at mga harding magkakapulupot.
78:17Juz 30 · p. 582

إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ كَانَ مِيقَاتًا17

Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras
78:18Juz 30 · p. 582

يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ فَتَأْتُونَ أَفْوَاجًا18

sa Araw na iihip sa tambuli, at darating kayo na pulu-pulutong.
78:19Juz 30 · p. 582

وَفُتِحَتِ السَّمَاءُ فَكَانَتْ أَبْوَابًا19

At bubuksan ang langit, at ito ay magiging mga pintuan.
78:20Juz 30 · p. 582

وَسُيِّرَتِ الْجِبَالُ فَكَانَتْ سَرَابًا20

At iuusad ang mga bundok, at ang mga ito ay magiging isang malikmata.
78:21Juz 30 · p. 582

إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتْ مِرْصَادًا21

Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,
78:22Juz 30 · p. 582

لِلطَّاغِينَ مَآبًا22

na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,
78:23Juz 30 · p. 582

لَابِثِينَ فِيهَا أَحْقَابًا23

na mga mamamalagi roon sa mga yugto.
78:24Juz 30 · p. 582

لَا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرْدًا وَلَا شَرَابًا24

Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,
78:25Juz 30 · p. 582

إِلَّا حَمِيمًا وَغَسَّاقًا25

maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana
78:26Juz 30 · p. 582

جَزَاءً وِفَاقًا26

bilang ganting angkop.
78:27Juz 30 · p. 582

إِنَّهُمْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ حِسَابًا27

Tunay na sila noon ay hindi natatakot sa isang pagtutuos.
78:28Juz 30 · p. 582

وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا كِذَّابًا28

At nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin nang [tahasang] pagpapasinungaling.
78:29Juz 30 · p. 582

وَكُلَّ شَيْءٍ أَحْصَيْنَاهُ كِتَابًا29

At sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaan.
78:30Juz 30 · p. 582

فَذُوقُوا فَلَنْ نَزِيدَكُمْ إِلَّا عَذَابًا30

Kaya lumasap kayo sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng pagdurusa.
78:31Juz 30 · p. 583

إِنَّ لِلْمُتَّقِينَ مَفَازًا31

Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay pagtatamuan
78:32Juz 30 · p. 583

حَدَائِقَ وَأَعْنَابًا32

ng mga hardin at mga ubasan,
78:33Juz 30 · p. 583

وَكَوَاعِبَ أَتْرَابًا33

ng mga dilag na mabibilog ang dibdib, na magkasinggulang,
78:34Juz 30 · p. 583

وَكَأْسًا دِهَاقًا34

at ng kopang pinuno.
78:35Juz 30 · p. 583

لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا كِذَّابًا35

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni pagsisinungaling
78:36Juz 30 · p. 583

جَزَاءً مِنْ رَبِّكَ عَطَاءً حِسَابًا36

bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na nakasapat
78:37Juz 30 · p. 583

رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الرَّحْمَٰنِ ۖ لَا يَمْلِكُونَ مِنْهُ خِطَابًا37

[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain. Hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap.
78:38Juz 30 · p. 583

يَوْمَ يَقُومُ الرُّوحُ وَالْمَلَائِكَةُ صَفًّا ۖ لَا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنْ أَذِنَ لَهُ الرَّحْمَٰنُ وَقَالَ صَوَابًا38

Sa Araw na tatayo ang Espiritu at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.
78:39Juz 30 · p. 583

ذَٰلِكَ الْيَوْمُ الْحَقُّ ۖ فَمَنْ شَاءَ اتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِ مَآبًا39

Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.
78:40Juz 30 · p. 583

إِنَّا أَنْذَرْنَاكُمْ عَذَابًا قَرِيبًا يَوْمَ يَنْظُرُ الْمَرْءُ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ وَيَقُولُ الْكَافِرُ يَا لَيْتَنِي كُنْتُ تُرَابًا40

Tunay na Kami ay nagbabala na sa inyo ng isang pagdurusang malapit, sa Araw na makatitingin ang tao sa anumang [gawang] ipinauna ng mga kamay niya, at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!"

I-play mula sa simula ng surah

Yasser Salama - An-Naba · Tlawati