Surah 78 · Juz 30

An-Naba · 78:40

إِنَّا أَنْذَرْنَاكُمْ عَذَابًا قَرِيبًا يَوْمَ يَنْظُرُ الْمَرْءُ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ وَيَقُولُ الْكَافِرُ يَا لَيْتَنِي كُنْتُ تُرَابًا

Tunay na Kami ay nagbabala na sa inyo ng isang pagdurusang malapit, sa Araw na makatitingin ang tao sa anumang [gawang] ipinauna ng mga kamay niya, at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: "O kung sana ako ay naging alabok!"

Tafsir

Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo, O mga tao, ng isang pagdurusang malapit mangyayari, sa Araw na titingin ang tao sa anumang ipinauna niya na gawain sa Mundo at magsasabi ang tagatangging sumampalataya habang nagmimithi ng pagkaalpas mula sa pagdurusa: "O kung sana ako ay naging alabok tulad ng mga hayop kapag sinabi sasabihin sa mga ito sa Araw ng Pagbangon: Maging alabok kayo!"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah