na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng anak, at hindi nagkaroon ng katambal sa paghahari. Lumikha Siya sa bawat bagay at nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda.
Gumawa sila bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nakapagdudulot ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagpapabuhay.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya at may tumulong sa kanya roon na mga ibang tao," ngunit gumawa sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan.
Nagsabi sila: "Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit nga ba hindi nagbaba sa kanya ng isang anghel na kasama para sa kanya ay maging isang tagapagbabala?
O magpupukol sa kanya ng isang kayamanan, o magkakaroon siya ng isang hardin na kakain siya mula roon?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway."
Tumingin ka kung papaanong gumawa sila para sa iyo ng mga paghahalimbawa ngunit naligaw sila kaya hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas.
Napakamapagpala Siya na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo.
Sabihin mo: "Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag sa pagkakasala?" Itong ukol sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan.
[Banggitin] ang Araw na titipunin Niya sila at ang sinasamba nila bukod pa kay Allāh kaya magsasabi Siya: "Kayo ba ay nagpaligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas?"
Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi noon nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo na mga tagatangkilik, subalit nagpatamasa Ka sa kanila at mga magulang nila hanggang sa nakalimutan nila ang paalaala. Sila noon ay mga taong nasawi."
Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo at hindi kayo makakakaya ng pagbaling ni ng pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.
Hindi Kami nagsugo sa mga una sa iyo ng anumang mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang isang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita.
Nagsabi ang mga hindi umaasa sa pakikipagkita sa Amin: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin." Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakalabis-labis sa isang pagpapakalabis-labis na malaki.
Sa Araw na makikita nila ang mga anghel ay walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: "Hadlang, hinadlangan!"
Gayon nagtalaga Kami para sa bawat propeta ng kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang isang tagapagpatnubay at isang mapag-adya.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang iisang kabuuan?" Gayon nga upang magpatatag Kami sa puso mo sa pamamagitan niyon. Bumigkas Kami rito nang [unti-unting] pagbigkas.
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang isang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.
Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila dati ay hindi nag-aasam sa pagbubuhay.
Tunay na halos talagang magpapaligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito." Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.
O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o umuunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas.
Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ay ginawa ang araw bilang isang pahiwatig dito.
Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa pagitan nila upang mapaalalahanan sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat.
Siya ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang harang at isang hadlang na inihadlang.
Siya ang lumikha mula sa tubig ng isang tao at gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan.
Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya ay laban sa Panginoon niya, tagapagtaguyod [ng demonyo].
Sabihin mo: "Hindi ako nanghihingi sa inyo para rito ng anumang pabuya – maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas."
Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang nakababatid.
[Siya] ang lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. [Siya] ang Napakamaawain, kaya humiling ka sa Kanya bilang isang nakababatid.
Kapag sinabi sa kanila: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?" Nakadagdag ito sa kanila ng pag-ayaw.
Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kahinahunan at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.
[Sila] ang mga hindi dumadalangin kasama kay Allāh sa iba pang diyos, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng parusa sa kasalanan:
maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[Sila] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng galak ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag sa pagkasasala bilang tagapanguna."
Sabihin mo: "Hindi nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling kayo kaya ito ay magiging kumakapit."