Surah 25 · Juz 18
Al-Furqan · 25:2
الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ فَقَدَّرَهُ تَقْدِيرًا
na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng anak, at hindi nagkaroon ng katambal sa paghahari. Lumikha Siya sa bawat bagay at nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda.
Tafsir
na sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari Niya, at lumikha Siya sa lahat ng mga bagay saka nagtakda Siya sa paglikha sa mga ito alinsunod sa hinihiling ng kaalaman Niya at karunungan Niya ayon sa isang pagtatakda, na bawat isa ay ayon sa naaangkop dito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah