Al-Furqan

سورة الفرقان

Surah 25 · Makki · 77 mga talata

25:1Juz 18 · p. 359

تَبَارَكَ الَّذِي نَزَّلَ الْفُرْقَانَ عَلَىٰ عَبْدِهِ لِيَكُونَ لِلْعَالَمِينَ نَذِيرًا1

Napakamapagpala ang nagpababa ng pamantayan sa Lingkod Niya upang ito sa mga nilalang ay maging isang tagapagbabala,
25:2Juz 18 · p. 359

الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ فَقَدَّرَهُ تَقْدِيرًا2

na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng anak, at hindi nagkaroon ng katambal sa paghahari. Lumikha Siya sa bawat bagay at nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda.
25:3Juz 18 · p. 360

وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً لَا يَخْلُقُونَ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ وَلَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا وَلَا يَمْلِكُونَ مَوْتًا وَلَا حَيَاةً وَلَا نُشُورًا3

Gumawa sila bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nakapagdudulot ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagpapabuhay.
25:4Juz 18 · p. 360

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ افْتَرَاهُ وَأَعَانَهُ عَلَيْهِ قَوْمٌ آخَرُونَ ۖ فَقَدْ جَاءُوا ظُلْمًا وَزُورًا4

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya at may tumulong sa kanya roon na mga ibang tao," ngunit gumawa sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan.
25:5Juz 18 · p. 360

وَقَالُوا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ اكْتَتَبَهَا فَهِيَ تُمْلَىٰ عَلَيْهِ بُكْرَةً وَأَصِيلًا5

Nagsabi sila: "Mga alamat ng mga sinauna na itinala niya sapagkat ang mga ito ay idinidikta sa kanya sa umaga at hapon."
25:6Juz 18 · p. 360

قُلْ أَنْزَلَهُ الَّذِي يَعْلَمُ السِّرَّ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا6

Sabihin mo: "Nagbaba nito ang nakaaalam sa lihim sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad, Maawain."
25:7Juz 18 · p. 360

وَقَالُوا مَالِ هَٰذَا الرَّسُولِ يَأْكُلُ الطَّعَامَ وَيَمْشِي فِي الْأَسْوَاقِ ۙ لَوْلَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُونَ مَعَهُ نَذِيرًا7

Nagsabi sila: "Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit nga ba hindi nagbaba sa kanya ng isang anghel na kasama para sa kanya ay maging isang tagapagbabala?
25:8Juz 18 · p. 360

أَوْ يُلْقَىٰ إِلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ تَكُونُ لَهُ جَنَّةٌ يَأْكُلُ مِنْهَا ۚ وَقَالَ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا8

O magpupukol sa kanya ng isang kayamanan, o magkakaroon siya ng isang hardin na kakain siya mula roon?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway."
25:9Juz 18 · p. 360

انْظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوا لَكَ الْأَمْثَالَ فَضَلُّوا فَلَا يَسْتَطِيعُونَ سَبِيلًا9

Tumingin ka kung papaanong gumawa sila para sa iyo ng mga paghahalimbawa ngunit naligaw sila kaya hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas.
25:10Juz 18 · p. 360

تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا10

Napakamapagpala Siya na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo.
25:11Juz 18 · p. 360

بَلْ كَذَّبُوا بِالسَّاعَةِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لِمَنْ كَذَّبَ بِالسَّاعَةِ سَعِيرًا11

Bagkus nagpasinungaling sila sa Huling Sandali. Naglaan Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Huling Sandali ng Liyab.
25:12Juz 18 · p. 361

إِذَا رَأَتْهُمْ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ سَمِعُوا لَهَا تَغَيُّظًا وَزَفِيرًا12

Kapag nakakita ito sa kanila mula sa isang pook na malayo ay makaririnig sila para rito ng pagngingitngit at pagsinghal.
25:13Juz 18 · p. 361

وَإِذَا أُلْقُوا مِنْهَا مَكَانًا ضَيِّقًا مُقَرَّنِينَ دَعَوْا هُنَالِكَ ثُبُورًا13

Kapag ipinukol sila mula roon sa isang lugar na masikip habang mga nakagapos ay mananawagan sila roon ng pagkagupo.
25:14Juz 18 · p. 361

لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُورًا وَاحِدًا وَادْعُوا ثُبُورًا كَثِيرًا14

Huwag kayong manawagan ngayong Araw ng pagkagupong nag-iisa; manawagan kayo ng pagkagupong marami.
25:15Juz 18 · p. 361

قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا15

Sabihin mo: "Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag sa pagkakasala?" Itong ukol sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan.
25:16Juz 18 · p. 361

لَهُمْ فِيهَا مَا يَشَاءُونَ خَالِدِينَ ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعْدًا مَسْئُولًا16

Ukol sa kanila roon ang anumang niloloob nila habang mga mamamalagi. Laging iyon sa Panginoon mo ay isang pangakong hinihingi.
25:17Juz 18 · p. 361

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَقُولُ أَأَنْتُمْ أَضْلَلْتُمْ عِبَادِي هَٰؤُلَاءِ أَمْ هُمْ ضَلُّوا السَّبِيلَ17

[Banggitin] ang Araw na titipunin Niya sila at ang sinasamba nila bukod pa kay Allāh kaya magsasabi Siya: "Kayo ba ay nagpaligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas?"
25:18Juz 18 · p. 361

قَالُوا سُبْحَانَكَ مَا كَانَ يَنْبَغِي لَنَا أَنْ نَتَّخِذَ مِنْ دُونِكَ مِنْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنْ مَتَّعْتَهُمْ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ نَسُوا الذِّكْرَ وَكَانُوا قَوْمًا بُورًا18

Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi noon nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo na mga tagatangkilik, subalit nagpatamasa Ka sa kanila at mga magulang nila hanggang sa nakalimutan nila ang paalaala. Sila noon ay mga taong nasawi."
25:19Juz 18 · p. 361

فَقَدْ كَذَّبُوكُمْ بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسْتَطِيعُونَ صَرْفًا وَلَا نَصْرًا ۚ وَمَنْ يَظْلِمْ مِنْكُمْ نُذِقْهُ عَذَابًا كَبِيرًا19

Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo at hindi kayo makakakaya ng pagbaling ni ng pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.
25:20Juz 18 · p. 361

وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا إِنَّهُمْ لَيَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَيَمْشُونَ فِي الْأَسْوَاقِ ۗ وَجَعَلْنَا بَعْضَكُمْ لِبَعْضٍ فِتْنَةً أَتَصْبِرُونَ ۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرًا20

Hindi Kami nagsugo sa mga una sa iyo ng anumang mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang isang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita.
25:21Juz 19 · p. 362

۞ وَقَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا الْمَلَائِكَةُ أَوْ نَرَىٰ رَبَّنَا ۗ لَقَدِ اسْتَكْبَرُوا فِي أَنْفُسِهِمْ وَعَتَوْا عُتُوًّا كَبِيرًا21

Nagsabi ang mga hindi umaasa sa pakikipagkita sa Amin: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin." Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakalabis-labis sa isang pagpapakalabis-labis na malaki.
25:22Juz 19 · p. 362

يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلَائِكَةَ لَا بُشْرَىٰ يَوْمَئِذٍ لِلْمُجْرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجْرًا مَحْجُورًا22

Sa Araw na makikita nila ang mga anghel ay walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: "Hadlang, hinadlangan!"
25:23Juz 19 · p. 362

وَقَدِمْنَا إِلَىٰ مَا عَمِلُوا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنَاهُ هَبَاءً مَنْثُورًا23

Pupunta Kami sa anumang ginawa nila na gawain at gagawa Kami rito na alabok na ikinalat.
25:24Juz 19 · p. 362

أَصْحَابُ الْجَنَّةِ يَوْمَئِذٍ خَيْرٌ مُسْتَقَرًّا وَأَحْسَنُ مَقِيلًا24

Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pinagtitigilan at higit na maganda sa pinahihingahan.
25:25Juz 19 · p. 362

وَيَوْمَ تَشَقَّقُ السَّمَاءُ بِالْغَمَامِ وَنُزِّلَ الْمَلَائِكَةُ تَنْزِيلًا25

[Banggitin] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at pabababain ang mga anghel sa [maramihang] pagpapababa.
25:26Juz 19 · p. 362

الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ لِلرَّحْمَٰنِ ۚ وَكَانَ يَوْمًا عَلَى الْكَافِرِينَ عَسِيرًا26

Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya.
25:27Juz 19 · p. 362

وَيَوْمَ يَعَضُّ الظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيْهِ يَقُولُ يَا لَيْتَنِي اتَّخَذْتُ مَعَ الرَّسُولِ سَبِيلًا27

[Banggitin] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.
25:28Juz 19 · p. 362

يَا وَيْلَتَىٰ لَيْتَنِي لَمْ أَتَّخِذْ فُلَانًا خَلِيلًا28

O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang isang matalik na kaibigan.
25:29Juz 19 · p. 362

لَقَدْ أَضَلَّنِي عَنِ الذِّكْرِ بَعْدَ إِذْ جَاءَنِي ۗ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِلْإِنْسَانِ خَذُولًا29

Talaga ngang nagpaligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo sa tao ay mapagkanulo."
25:30Juz 19 · p. 362

وَقَالَ الرَّسُولُ يَا رَبِّ إِنَّ قَوْمِي اتَّخَذُوا هَٰذَا الْقُرْآنَ مَهْجُورًا30

Nagsabi ang Sugo: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isang isinasaisang-tabi."
25:31Juz 19 · p. 362

وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ ۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيًا وَنَصِيرًا31

Gayon nagtalaga Kami para sa bawat propeta ng kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang isang tagapagpatnubay at isang mapag-adya.
25:32Juz 19 · p. 362

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ الْقُرْآنُ جُمْلَةً وَاحِدَةً ۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِ فُؤَادَكَ ۖ وَرَتَّلْنَاهُ تَرْتِيلًا32

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang iisang kabuuan?" Gayon nga upang magpatatag Kami sa puso mo sa pamamagitan niyon. Bumigkas Kami rito nang [unti-unting] pagbigkas.
25:33Juz 19 · p. 363

وَلَا يَأْتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئْنَاكَ بِالْحَقِّ وَأَحْسَنَ تَفْسِيرًا33

Wala silang inihahatid sa iyo na isang paghahalintulad malibang nagdala Kami sa iyo ng katotohanan at higit na maganda sa pagpapaliwanag.
25:34Juz 19 · p. 363

الَّذِينَ يُحْشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ سَبِيلًا34

Ang mga titipunin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas.
25:35Juz 19 · p. 363

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَا مَعَهُ أَخَاهُ هَارُونَ وَزِيرًا35

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang isang katuwang.
25:36Juz 19 · p. 363

فَقُلْنَا اذْهَبَا إِلَى الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَدَمَّرْنَاهُمْ تَدْمِيرًا36

Kaya nagsabi Kami: "Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak.
25:37Juz 19 · p. 363

وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا37

Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang isang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.
25:38Juz 19 · p. 363

وَعَادًا وَثَمُودَ وَأَصْحَابَ الرَّسِّ وَقُرُونًا بَيْنَ ذَٰلِكَ كَثِيرًا38

[Nagpahamak Kami] sa `Ād, Thamūd, mga kasama ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon.
25:39Juz 19 · p. 363

وَكُلًّا ضَرَبْنَا لَهُ الْأَمْثَالَ ۖ وَكُلًّا تَبَّرْنَا تَتْبِيرًا39

Sa bawat isa ay gumawa Kami ng mga paghahalimbawa at sa bawat isa ay dumurog Kami nang [lubos na] pagdurog.
25:40Juz 19 · p. 363

وَلَقَدْ أَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِي أُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِ ۚ أَفَلَمْ يَكُونُوا يَرَوْنَهَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ نُشُورًا40

Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila dati ay hindi nag-aasam sa pagbubuhay.
25:41Juz 19 · p. 363

وَإِذَا رَأَوْكَ إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي بَعَثَ اللَّهُ رَسُولًا41

Kapag nakakita sila sa iyo, wala silang ginagawa sa iyo kundi pangungutya, [na nagsasabi]: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang isang sugo?
25:42Juz 19 · p. 363

إِنْ كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنْ آلِهَتِنَا لَوْلَا أَنْ صَبَرْنَا عَلَيْهَا ۚ وَسَوْفَ يَعْلَمُونَ حِينَ يَرَوْنَ الْعَذَابَ مَنْ أَضَلُّ سَبِيلًا42

Tunay na halos talagang magpapaligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito." Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.
25:43Juz 19 · p. 363

أَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ أَفَأَنْتَ تَكُونُ عَلَيْهِ وَكِيلًا43

Nakita mo ba ang ginawa niyang diyos niya ay ang pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang katiwala?
25:44Juz 19 · p. 364

أَمْ تَحْسَبُ أَنَّ أَكْثَرَهُمْ يَسْمَعُونَ أَوْ يَعْقِلُونَ ۚ إِنْ هُمْ إِلَّا كَالْأَنْعَامِ ۖ بَلْ هُمْ أَضَلُّ سَبِيلًا44

O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o umuunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas.
25:45Juz 19 · p. 364

أَلَمْ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ الظِّلَّ وَلَوْ شَاءَ لَجَعَلَهُ سَاكِنًا ثُمَّ جَعَلْنَا الشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيلًا45

Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ay ginawa ang araw bilang isang pahiwatig dito.
25:46Juz 19 · p. 364

ثُمَّ قَبَضْنَاهُ إِلَيْنَا قَبْضًا يَسِيرًا46

Pagkatapos ay humawak Kami rito patungo sa Amin nang isang madaliang paghawak.
25:47Juz 19 · p. 364

وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِبَاسًا وَالنَّوْمَ سُبَاتًا وَجَعَلَ النَّهَارَ نُشُورًا47

Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang kasuutan at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagbuhay.
25:48Juz 19 · p. 364

وَهُوَ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً طَهُورًا48

Siya ang nagsugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak bago ng awa Niya. Nagbaba mula sa langit ng tubig na naipandadalisay
25:49Juz 19 · p. 364

لِنُحْيِيَ بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا وَنُسْقِيَهُ مِمَّا خَلَقْنَا أَنْعَامًا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرًا49

upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan niyon sa isang bayang patay at magpainom Kami niyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.
25:50Juz 19 · p. 364

وَلَقَدْ صَرَّفْنَاهُ بَيْنَهُمْ لِيَذَّكَّرُوا فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا50

Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa pagitan nila upang mapaalalahanan sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat.
25:51Juz 19 · p. 364

وَلَوْ شِئْنَا لَبَعَثْنَا فِي كُلِّ قَرْيَةٍ نَذِيرًا51

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang tagapagbabala.
25:52Juz 19 · p. 364

فَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَجَاهِدْهُمْ بِهِ جِهَادًا كَبِيرًا52

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at makibaka ka sa kanila nang pakikibakang malaki.
25:53Juz 19 · p. 364

۞ وَهُوَ الَّذِي مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ وَجَعَلَ بَيْنَهُمَا بَرْزَخًا وَحِجْرًا مَحْجُورًا53

Siya ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang harang at isang hadlang na inihadlang.
25:54Juz 19 · p. 364

وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ مِنَ الْمَاءِ بَشَرًا فَجَعَلَهُ نَسَبًا وَصِهْرًا ۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرًا54

Siya ang lumikha mula sa tubig ng isang tao at gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan.
25:55Juz 19 · p. 364

وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُهُمْ وَلَا يَضُرُّهُمْ ۗ وَكَانَ الْكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِ ظَهِيرًا55

Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya ay laban sa Panginoon niya, tagapagtaguyod [ng demonyo].
25:56Juz 19 · p. 365

وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا56

Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang tagapagbalita ng nakagagalak at isang tagapagbabala.
25:57Juz 19 · p. 365

قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ إِلَّا مَنْ شَاءَ أَنْ يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا57

Sabihin mo: "Hindi ako nanghihingi sa inyo para rito ng anumang pabuya – maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas."
25:58Juz 19 · p. 365

وَتَوَكَّلْ عَلَى الْحَيِّ الَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحْ بِحَمْدِهِ ۚ وَكَفَىٰ بِهِ بِذُنُوبِ عِبَادِهِ خَبِيرًا58

Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang nakababatid.
25:59Juz 19 · p. 365

الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ الرَّحْمَٰنُ فَاسْأَلْ بِهِ خَبِيرًا59

[Siya] ang lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. [Siya] ang Napakamaawain, kaya humiling ka sa Kanya bilang isang nakababatid.
25:60Juz 19 · p. 365

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اسْجُدُوا لِلرَّحْمَٰنِ قَالُوا وَمَا الرَّحْمَٰنُ أَنَسْجُدُ لِمَا تَأْمُرُنَا وَزَادَهُمْ نُفُورًا ۩60

Kapag sinabi sa kanila: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?" Nakadagdag ito sa kanila ng pag-ayaw.
25:61Juz 19 · p. 365

تَبَارَكَ الَّذِي جَعَلَ فِي السَّمَاءِ بُرُوجًا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَاجًا وَقَمَرًا مُنِيرًا61

Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagabigay-liwanag.
25:62Juz 19 · p. 365

وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ خِلْفَةً لِمَنْ أَرَادَ أَنْ يَذَّكَّرَ أَوْ أَرَادَ شُكُورًا62

Siya ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na makapag-alaala o nagnais ng pasasalamat.
25:63Juz 19 · p. 365

وَعِبَادُ الرَّحْمَٰنِ الَّذِينَ يَمْشُونَ عَلَى الْأَرْضِ هَوْنًا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ الْجَاهِلُونَ قَالُوا سَلَامًا63

Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kahinahunan at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.
25:64Juz 19 · p. 365

وَالَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمْ سُجَّدًا وَقِيَامًا64

[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo.
25:65Juz 19 · p. 365

وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا اصْرِفْ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَ ۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا65

[Sila] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbaling Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.
25:66Juz 19 · p. 365

إِنَّهَا سَاءَتْ مُسْتَقَرًّا وَمُقَامًا66

Tunay na sumagwa iyon bilang isang pinagtitigilan at isang pinananatilihan."
25:67Juz 19 · p. 365

وَالَّذِينَ إِذَا أَنْفَقُوا لَمْ يُسْرِفُوا وَلَمْ يَقْتُرُوا وَكَانَ بَيْنَ ذَٰلِكَ قَوَامًا67

[Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nagsasayang at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.
25:68Juz 19 · p. 366

وَالَّذِينَ لَا يَدْعُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ وَلَا يَقْتُلُونَ النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُونَ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ يَلْقَ أَثَامًا68

[Sila] ang mga hindi dumadalangin kasama kay Allāh sa iba pang diyos, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng parusa sa kasalanan:
25:69Juz 19 · p. 366

يُضَاعَفْ لَهُ الْعَذَابُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَيَخْلُدْ فِيهِ مُهَانًا69

pag-iibayuhin sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay at mamalagi siya roon na hinahamak,
25:70Juz 19 · p. 366

إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا70

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
25:71Juz 19 · p. 366

وَمَنْ تَابَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَإِنَّهُ يَتُوبُ إِلَى اللَّهِ مَتَابًا71

Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang [tanggap na] pagbabalik-loob.
25:72Juz 19 · p. 366

وَالَّذِينَ لَا يَشْهَدُونَ الزُّورَ وَإِذَا مَرُّوا بِاللَّغْوِ مَرُّوا كِرَامًا72

[Sila] ang mga hindi sumasaksi sa kabulaanan, at kapag naparaan sila sa kabalbalan ay dumaraan sila bilang mga marangal.
25:73Juz 19 · p. 366

وَالَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ لَمْ يَخِرُّوا عَلَيْهَا صُمًّا وَعُمْيَانًا73

[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon nila ay hindi sumusubsob sa mga ito bilang mga bingi at mga bulag.

وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا74

[Sila] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng galak ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag sa pagkasasala bilang tagapanguna."
25:75Juz 19 · p. 366

أُولَٰئِكَ يُجْزَوْنَ الْغُرْفَةَ بِمَا صَبَرُوا وَيُلَقَّوْنَ فِيهَا تَحِيَّةً وَسَلَامًا75

Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid dahil nagtiis sila, at gagawaran doon ng pagbati at kapayapaan
25:76Juz 19 · p. 366

خَالِدِينَ فِيهَا ۚ حَسُنَتْ مُسْتَقَرًّا وَمُقَامًا76

bilang mga mananatili roon. Gumanda iyon bilang isang pinagtitigilan at isang pinananatilihan.
25:77Juz 19 · p. 366

قُلْ مَا يَعْبَأُ بِكُمْ رَبِّي لَوْلَا دُعَاؤُكُمْ ۖ فَقَدْ كَذَّبْتُمْ فَسَوْفَ يَكُونُ لِزَامًا77

Sabihin mo: "Hindi nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling kayo kaya ito ay magiging kumakapit."

I-play mula sa simula ng surah

Muhammad Jibreel - Al-Furqan · Tlawati