Surah 97 · Juz 30

Al-Qadr · 97:4

تَنَزَّلُ الْمَلَائِكَةُ وَالرُّوحُ فِيهَا بِإِذْنِ رَبِّهِمْ مِنْ كُلِّ أَمْرٍ

Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila dahil sa bawat utos.

Tafsir

Nagbababaan ang mga Anghel at bumababa si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na iyon, maging ito man ay panustos o kamatayan o pagkapanganak o iba pa roon kabilang sa itinatakda ni Allāh.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah