وَالنَّازِعَاتِ غَرْقًا1
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis [ng kaluluwa] sa isang kabangisan,
وَالنَّاشِطَاتِ نَشْطًا2
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghablot,
وَالسَّابِحَاتِ سَبْحًا3
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy [na pababa-pataas],
فَالسَّابِقَاتِ سَبْقًا4
at sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],
فَالْمُدَبِّرَاتِ أَمْرًا5
at sa mga [anghel na] pagganap sa isang utos,
يَوْمَ تَرْجُفُ الرَّاجِفَةُ6
sa araw na yayanig ang tagayanig,
تَتْبَعُهَا الرَّادِفَةُ7
susunod dito ang kasunod.
قُلُوبٌ يَوْمَئِذٍ وَاجِفَةٌ8
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.
أَبْصَارُهَا خَاشِعَةٌ9
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakababa.
يَقُولُونَ أَإِنَّا لَمَرْدُودُونَ فِي الْحَافِرَةِ10
Nagsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?
أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا نَخِرَةً11
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?"
قَالُوا تِلْكَ إِذًا كَرَّةٌ خَاسِرَةٌ12
Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi."
فَإِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَاحِدَةٌ13
At ito ay nag-iisang bulyaw lamang,
فَإِذَا هُمْ بِالسَّاهِرَةِ14
at biglang sila ay nasa balat ng lupa.
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ مُوسَىٰ15
Nakarating ba sa iyo ang sanaysay kay Moises?
إِذْ نَادَاهُ رَبُّهُ بِالْوَادِ الْمُقَدَّسِ طُوًى16
Noong tumawag sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:
اذْهَبْ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُ طَغَىٰ17
"Pumunta ka kay Paraon - tunay na siya ay nagmalabis -
فَقُلْ هَلْ لَكَ إِلَىٰ أَنْ تَزَكَّىٰ18
at magsabi ka: Ibig mo ba na magpakalinis ka
وَأَهْدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخْشَىٰ19
at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka sa Kanya?"
فَأَرَاهُ الْآيَةَ الْكُبْرَىٰ20
Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ21
ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito.
ثُمَّ أَدْبَرَ يَسْعَىٰ22
Pagkatapos ay tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ23
Kaya nagtipon ito [ng mga kawal] at nanawagan,
فَقَالَ أَنَا رَبُّكُمُ الْأَعْلَىٰ24
at nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."
فَأَخَذَهُ اللَّهُ نَكَالَ الْآخِرَةِ وَالْأُولَىٰ25
Kaya nagpataw rito si Allāh ng babalang parusa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِمَنْ يَخْشَىٰ26
Tunay na sa gayon ay talagang may isang pangaral para sa sinumang natatakot [kay Allāh].
أَأَنْتُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمِ السَّمَاءُ ۚ بَنَاهَا27
Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?
رَفَعَ سَمْكَهَا فَسَوَّاهَا28
Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.
وَأَغْطَشَ لَيْلَهَا وَأَخْرَجَ ضُحَاهَا29
At nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.
وَالْأَرْضَ بَعْدَ ذَٰلِكَ دَحَاهَا30
At ang lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya rito.
____________________
At ang lupa, matapos niyon, ay nagpahugis-itlog Siya nito.
أَخْرَجَ مِنْهَا مَاءَهَا وَمَرْعَاهَا31
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.
وَالْجِبَالَ أَرْسَاهَا32
At ang mga bundok ay nagpadaong Siya sa mga ito,
مَتَاعًا لَكُمْ وَلِأَنْعَامِكُمْ33
bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
فَإِذَا جَاءَتِ الطَّامَّةُ الْكُبْرَىٰ34
Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki -
يَوْمَ يَتَذَكَّرُ الْإِنْسَانُ مَا سَعَىٰ35
sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya
وَبُرِّزَتِ الْجَحِيمُ لِمَنْ يَرَىٰ36
at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita -
فَأَمَّا مَنْ طَغَىٰ37
kaya ang sinumang nagmalabis
وَآثَرَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا38
at nagtangi sa buhay na pangmundo,
فَإِنَّ الْجَحِيمَ هِيَ الْمَأْوَىٰ39
tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;
وَأَمَّا مَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِ وَنَهَى النَّفْسَ عَنِ الْهَوَىٰ40
at ang sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,
فَإِنَّ الْجَنَّةَ هِيَ الْمَأْوَىٰ41
tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.
يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا42
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?
فِيمَ أَنْتَ مِنْ ذِكْرَاهَا43
Nasa ano ka para sa bumanggit niyon?
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنْتَهَاهَا44
Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon.
إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرُ مَنْ يَخْشَاهَا45
Ikaw ay isang tagababala lamang sa sinumang natatakot doon.
كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَهَا لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا عَشِيَّةً أَوْ ضُحَاهَا46
Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga dito.