Surah 72 · Juz 29
Al-Jinn · 72:6
وَأَنَّهُ كَانَ رِجَالٌ مِنَ الْإِنْسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٍ مِنَ الْجِنِّ فَزَادُوهُمْ رَهَقًا
At na noon ay may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.
Tafsir
Na noon sa Panahon ng Kamangmangan ay may mga lalaki ng tao na nagpapakalinga sa mga lalaki ng jinn kapag tumutuloy ang mga ito sa isang lugar na pinangangambahan saka nagsasabi ang isa sa kanila: 'Nagpapakupkop ako sa amo ng lambak na ito laban sa kasamaan ng mga hunghang ng mga kalipi nito,' kaya nadagdagan ang mga lalaki ng tao ng pangamba at hilakbot sa mga lalaki ng jinn.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah