Surah 72 · Juz 29
Al-Jinn · 72:28
لِيَعْلَمَ أَنْ قَدْ أَبْلَغُوا رِسَالَاتِ رَبِّهِمْ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيْهِمْ وَأَحْصَىٰ كُلَّ شَيْءٍ عَدَدًا
upang makaalam ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Sumaklaw Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.
Tafsir
sa pag-asang makaalam ang Sugo na ang mga sugo bago pa niya ay nagpaabot nga ng mga pasugo ng Panginoon nila na nag-utos sa kanila ng pagpapaabot niyon noong sumaklaw roon si Allāh sa pangangalaga at sumaklaw si Allāh sa kaalaman sa anumang nasa mga anghel at mga sugo sapagkat walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang ng bawat bagay sapagkat walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah