Surah 72 · Juz 29
Al-Jinn · 72:23
إِلَّا بَلَاغًا مِنَ اللَّهِ وَرِسَالَاتِهِ ۚ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَإِنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا
ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot mula kay Allāh at mga pasugo Niya." Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman.
Tafsir
subalit ang maidudulot ko ay na magpaabot ako ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at ng pasugo Niya na ipinadala Niya ako dahil doon sa inyo." Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ang kahahantungan niya ay ang pagpasok sa Impiyerno bilang mananatiling pananatilihin doon, na hindi makalalabas mula roon magpakailanman.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah