Surah 72 · Juz 29

Al-Jinn · 72:14

وَأَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنَّا الْقَاسِطُونَ ۖ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُولَٰئِكَ تَحَرَّوْا رَشَدًا

At na kabilang sa amin ang mga tagapasakop at kabilang sa amin ang mga tagalihis; at ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay nagsadya sa isang paggabay.

Tafsir

Na kami, kabilang sa amin ang mga tagapagpasakop na mga nagpapaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima, at kabilang sa amin ang mga tagaliko palayo sa daan ng pagkakatamtaman at pagpapakatuwid; saka ang sinumang nagpasailalim kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima at gawang maayos, ang mga iyon ay ang lumayon ng kapatnubayan at katumpakan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah