Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:92

الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۚ الَّذِينَ كَذَّبُوا شُعَيْبًا كَانُوا هُمُ الْخَاسِرِينَ

Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay para bang hindi nanirahan doon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb, sila ay naging mga lugi.

Tafsir

Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay napahamak sa kalahatan. Naging para bang sila ay hindi nanirahan sa tahanan nila at hindi nagtamasa roon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay naging ang mga lugi dahil sila ay nagpalugi sa mga sarili nila at sa minay-ari nila. Hindi nangyaring ang mga mananampalataya kabilang sa mga kalipi nila ay ang mga lugi, gaya ng inakala ng mga tagatangging sumampalataya na tagapasinungaling na ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah