Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:88

۞ قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا مِنْ قَوْمِهِ لَنُخْرِجَنَّكَ يَا شُعَيْبُ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَكَ مِنْ قَرْيَتِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۚ قَالَ أَوَلَوْ كُنَّا كَارِهِينَ

Nagsabi ang pamunuan na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: "Talagang palalabasin ka nga namin, O Shu`ayb, at ang mga sumampalataya kasama mo mula sa pamayanan natin, o talagang babalik nga kayo sa kapaniwalaan namin." Nagsabi siya: "Kahit pa man ba kami ay mga nasusuklam?

Tafsir

Nagsabi kay Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga malaking tao at ang mga pangulo na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi ni Shu`ayb: "Talagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, mula sa pamayanan nating ito, sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga naniwala sa iyo, o talagang babalik nga kayo sa relihiyon natin." Nagsabi sa kanila si Shu`ayb habang nagmamasama at namamangha: "Makikisunod ba kami sa relihiyon ninyo at kapaniwalaan ninyo kahit pa man kami ay naging mga nasusuklam doon dahil sa pagkakaalam namin sa kabulaanan ng nasa inyo?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah