Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:8

وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ

Ang sukatan sa Araw na iyon ay ang katotohanan. Kaya ang sinumang bumigat ang mga timbangan niya [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga matagumpay.

Tafsir

Ang pagtitimbang ng mga gawa sa Araw ng Pagbangon ay magiging sa pamamagitan ng katarungang walang pang-aaping kasama rito ni paglabag. Kaya ang mga bumigat sa sandali ng pagtitimbang ang timbang ng mga magandang gawa nila kaysa sa timbang ng mga masagwang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga nagtamo ng minimithi at naligtas sa kinasisindakan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah