Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:65

۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ

[Nagsugo sa] `Ād ang kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"

Tafsir

Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah