Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:59

لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ

Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi nito kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang sukdulang araw."

Tafsir

Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang sugo sa mga kababayan nito, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, saka nagsabi siya sa kanila: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah