Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:56
وَلَا تُفْسِدُوا فِي الْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَاحِهَا وَادْعُوهُ خَوْفًا وَطَمَعًا ۚ إِنَّ رَحْمَتَ اللَّهِ قَرِيبٌ مِنَ الْمُحْسِنِينَ
Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito, at dumalangin kayo sa Kanya nang may pangamba at paghahangad. Tunay na ang awa ni Allāh ay malapit sa mga tagagawa ng maganda.
Tafsir
Huwag kayong sa manggulo lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway matapos na nagsaayos nito si Allāh sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at ng paglinang nito dahil sa pagtalima sa Kanya lamang. Dumalangin kayo kay Allāh lamang habang mga nakadarama ng pangamba sa parusa Niya, habang mga naghihintay ng pagtamo ng gantimpala Niya. Tunay na ang awa ni Allāh ay malapit sa mga tagagawa ng maganda kaya maging kabilang kayo sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah