Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:53
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَلْ لَنَا مِنْ شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
Wala silang hinihintay kundi ang paghantong nito. Sa araw na darating ang paghantong nito ay magsasabi ang mga lumimot nito noon: "Naghatid nga ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan, kaya mayroon ba kaming anumang mga tagapamagitan upang mamagitan sila para sa amin, o pababalikin kami upang makagawa kami ng iba pa sa ginagawa namin noon?" Ipinalugi na nila ang mga sarili nila at nawala na sa kanila ang ginawa-gawa nila noon.
Tafsir
Hindi naghihintay ang mga tagatangging sumampalataya maliban ng pagkaganap ng ipinabatid sa kanila na pagkaganap nito na pagdurusang masakit, na mauuwi roon ang nauukol sa kanila sa Kabilang-buhay, sa Araw na pupunta ang ipinabatid sa kanila mula roon at ang ipinabatid sa mga mananampalataya na gantimpala. Magsasabi ang mga lumimot sa Qur'ān sa Mundo at hindi gumawa ayon sa nasaad dito: "Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan na walang pag-aalangan hinggil doon at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh. Kaya kung sana mayroon kaming mga tagapagpagitna na mamamagitan para sa amin sa piling ni Allāh upang palampasin Niya sa amin ang pagdurusa; o kung sana kami ay manunumbalik sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos, na maliligtas kami sa pamamagitan nito, sa halip ng dati naming ginagawa na mga masagwang gawa." Nagpalugi nga ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Nawala sa kanila ang dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh saka hindi nakapagpakinabang ang mga ito sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah