Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:50
وَنَادَىٰ أَصْحَابُ النَّارِ أَصْحَابَ الْجَنَّةِ أَنْ أَفِيضُوا عَلَيْنَا مِنَ الْمَاءِ أَوْ مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ ۚ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ حَرَّمَهُمَا عَلَى الْكَافِرِينَ
Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: "Magpabaha naman kayo sa amin ng tubig o ng kabilang sa anumang itinustos sa inyo ni Allāh." Magsasabi ang mga ito: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tumatangging sumampalataya,
Tafsir
Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na mga humihiling sa mga ito habang mga nagsasabi: "Magpalawak kayo sa pagbuhos ng tubig sa amin, O mga naninirahan sa Paraiso, o anumang itinustos sa inyo ni Allāh na pagkain." Magsasabi ang mga naninirahan sa Paraiso: "Tunay na si Allāh ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at tunay na kami ay hindi magsasaklolo sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah