Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:45

الَّذِينَ يَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَيَبْغُونَهَا عِوَجًا وَهُمْ بِالْآخِرَةِ كَافِرُونَ

ang mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad na ito ay baluktot samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tumatangging sumampalataya.

Tafsir

Itong mga tagalabag sa katarungan ay ang dating mga umaayaw sa landas ni Allāh sa mga sarili nila, nag-uudyok sa iba pa sa kanila sa pag-ayaw roon, at umaasa na ang landas ng katotohanan ay maging baluktot upang hindi tumahak dito ang mga tao samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya na mga hindi nakahanda para roon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah