Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:42

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ay hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa [sa kanila] malibang ayon sa kakayahan nito; ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili.

Tafsir

Ang mga sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng mga gawang maayos na nakakaya nila – hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa ng higit sa nakakaya nito – ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; papasok sila roon bilang mga mamalagi roon magpakailanman.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah