Surah 7 · Juz 8
Al-A'raf · 7:38
قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِنْ لَا تَعْلَمُونَ
Nagsabi Siya: "Pumasok kayo sa mga kalipunang nagdaan na bago ninyo kabilang sa jinn at tao sa Apoy. Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito hanggang sa nang nagsunuran sila roon sa kalahatan ay magsasabi ang huli sa kanila sa una sa kanila: "Panginoon Namin, ang mga ito ay nagpaligaw sa amin kaya bigyan Mo sila ng isang ibayong pagdurusa mula sa Apoy." Magsasabi Siya: "Ukol sa bawat isa ay ibayo, subalit hindi ninyo nalalaman."
Tafsir
Magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Magsipasok kayo, O mga tagapagtambal, sa Apoy kasama sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na, bago pa ninyo, sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw kabilang sa jinn at tao sa Apoy. Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito na nauna rito sa Impiyerno. Hanggang sa nang nagsunuran sila roon at nagkatipon sila sa kabuuan nila ay magsasabi ang huli sa kanila sa pagpasok, ang mga mababa at ang mga tagasunod, sa una sa kanila, ang mga malaki at ang mga pinapanginoon: "O Panginoon Namin, ang mga malaking ito ay ang mga nagligaw sa amin palayo sa daan ng kapatnubayan kaya magparusa Ka sa kanila ng isang ibayong parusa dahil sa pang-aakit nila sa pagkaligaw para sa amin." Magsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Ukol sa bawat pangkatin kabilang sa inyo ay ibayong bahagi ng pagdurusa, subalit kayo ay hindi nakaaalam niyon ni nakatatalos niyon."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah