Surah 7 · Juz 8

Al-A'raf · 7:36

وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَاسْتَكْبَرُوا عَنْهَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ

Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at nagmalaki sa mga ito, ang mga iyon ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.

Tafsir

Tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin, hindi sumampalataya sa mga ito, at nagmataas dala ng pagkamapagmalaki sa pag-ayaw sa paggawa sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila, tunay na sila ay ang mga maninirahan sa Apoy, ang mga mamamalagi roon, ang mga mananatili roon magpakailanman.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah