Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:190
فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Ngunit noong binigyan Niya silang dalawa ng isang anak na matuwid ay gumawa silang dalawa sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit pagkataas-taas ni Allāh para sa anumang itinatambal nila.
Tafsir
Ngunit noong tumugon si Allāh sa panalangin nilang dalawa at nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang anak na maayos gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh, gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Nagpangalan silang dalawa sa anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Nagpangalan silang dalawa dito ng `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas si Allāh at nagpawalang-kinalaman sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah