Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:175

وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ الَّذِي آتَيْنَاهُ آيَاتِنَا فَانْسَلَخَ مِنْهَا فَأَتْبَعَهُ الشَّيْطَانُ فَكَانَ مِنَ الْغَاوِينَ

Bigkasin mo sa kanila ang balita ng binigyan Namin ng mga tanda Namin ngunit kumalas siya sa mga ito kaya nasundan siya ng demonyo at siya ay naging kabilang sa mga nalilisya.

Tafsir

Bumigkas ka, O Sugo, sa mga anak ni Israel ng ulat ng isang lalaking kabilang sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga tanda Namin kaya nalaman niya ang mga ito at naunawaan niya ang katotohanan na ipinahiwatig ng mga ito. Subalit siya ay hindi gumawa ayon sa mga ito, bagkus umiwan siya sa mga ito at kumalas siya sa mga ito. Kaya nakahabol sa kanya ang demonyo at siya ay naging kasamahan para roon. Kaya siya ay naging kabilang sa mga naliligaw na mapapahamak matapos na siya noon ay naging kabilang sa mga napatnubayan na maliligtas sana.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah