Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:170
وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ
Ang mga kumakapit sa kasulatan at nagpapanatili sa pagdarasal, tunay na Kami ay hindi magwawala sa pabuya ng mga tagapagtuwid.
Tafsir
Ang mga kumakapit sa Kasulatan, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nagpapanatili ng pagdarasal sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga oras nito, mga kundisyon nito, mga kinakailangan dito, at mga sunnah nito ay gaganti si Allāh sa kanila sa mga gawa nila sapagkat si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng sinumang ang gawa nito ay maayos.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah