Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:163
وَاسْأَلْهُمْ عَنِ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ حَاضِرَةَ الْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِي السَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Tanungin mo sila tungkol sa pamayanang nasa tabi noon ng dagat noong lumalabag sila sa Sabado noong dumarating sa kanila ang mga isda nila sa araw ng Sabado nila nang mga nakalitaw samantalang sa araw na hindi nila ipinangingilin ang Sabado ay hindi pumupunta ang mga ito sa kanila. Gayon Namin sinusubok sila dahil sila noon ay nagsusuwail.
Tafsir
Tanungin mo, O Sugo, ang mga Hudyo bilang pagpapaalaala sa kanila hinggil sa pagparusa ni Allāh sa mga ninuno nila ayon sa kasaysayan ng pamayanan, na iyon noon ay nasa malapit sa dagat, nang sila noon ay lumampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa pangingisda sa araw ng Sabado, matapos ng pagsaway sa kanila, nang sumubok sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagpapunta sa kanila ng mga isda nang hayagan sa ibabaw ng dagat sa araw ng Sabado, samantalang sa ibang mga araw ay hindi naman pumupunta ang mga ito sa kanila. Sumubok si Allāh sa kanila sa pamamagitan niyon dahilan sa paglabas nila sa pagtalima at paggawa nila ng mga pagsuway. Nanggulang sila para sa pangingisda sa pamamagitan ng pagtukod nila ng mga lambat nila at paghukay nila ng hukay nila kaya naman ang mga isda ay bumabagsak roon sa araw ng Sabado, saka kapag araw ng Linggo ay kinukuha nila ang mga iyon at kinakain ang mga iyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah