Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:160
وَقَطَّعْنَاهُمُ اثْنَتَيْ عَشْرَةَ أَسْبَاطًا أُمَمًا ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ إِذِ اسْتَسْقَاهُ قَوْمُهُ أَنِ اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْبَجَسَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۚ وَظَلَّلْنَا عَلَيْهِمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْهِمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۚ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Hinati-hati Namin sila sa labindalawang lipi bilang mga kalipunan. Nagsiwalat Kami kay Moises noong humingi ng tubig sa kanya ang mga tao niya na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang bato," at may tumagas mula roon na labindalawang bukal. Nalaman nga ng bawat [lipi] ng mga tao ang inuman nila. Nagpalilim Kami sa kanila ng mga ulap at nagbaba Kami sa kanila ng mana at mga pugo. Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo. Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin subalit sila ay sa mga sarili nila lumalabag sa katarungan.
Tafsir
Nagbaha-bahagi Kami sa mga anak ni Israel sa labindalawang lipi. Nagkasi Kami kay Moises nang humiling sa kanya ang mga tao niya na manalangin siya kay Allāh na painumin sila. [Nag-utos si Allāh sa kanya]: "Humampas ka, O Moises, ng tungkod mo sa bato." Kaya humampas doon si Moises saka may bumulwak mula roon na labindalawang bukal, ayon sa bilang ng labindalawang lipi nila. Nakaalam nga ang bawat lipi mula sa kanila ng inuman nitong nakalaan dito, kaya walang nakikilahok dito na iba pang lipi. Naglilim Kami sa kanila ng mga ulap, na umuusad sa pag-usad nila at tumitigil-tigil sa pagtigil-tigil nila. Nagpababa Kami sa kanila mula sa mga biyaya Namin ng matamis na inumin tulad ng pulut-pukyutan at ng munting ibong kaaya-aya ang karne, na nakahahawig ng pugong labuyo. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo." Hindi sila nakabawas sa Amin ng anuman dahil sa naganap mula sa kanila na kawalang-katarungan, kawalan ng utang na loob sa mga biyaya, at kawalan ng pagpapahalaga sa mga ito nang totoong pagpapahalaga. Subalit sila sa mga sarili nila ay lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga bahagi ng mga ito nang naghatid sila sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa nagawa nila na pagsalungat sa utos ni Allāh at pagkakaila nila sa mga biyaya Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah