Surah 7 · Juz 9
Al-A'raf · 7:151
قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِأَخِي وَأَدْخِلْنَا فِي رَحْمَتِكَ ۖ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at sa kapatid ko at papasukin Mo kami sa awa Mo yayamang Ikaw ay ang pinakamaawain sa mga naaawa."
Tafsir
Kaya dumalangin si Moises sa Panginoon Niya: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at sa kapatid kong si Aaron. Magpapasok Ka sa amin sa awa Mo at gawin Mo ito na nakapaligid sa amin sa bawat dako. Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamaawain sa amin kaysa sa bawat naaawa."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah