Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:144

قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنِّي اصْطَفَيْتُكَ عَلَى النَّاسِ بِرِسَالَاتِي وَبِكَلَامِي فَخُذْ مَا آتَيْتُكَ وَكُنْ مِنَ الشَّاكِرِينَ

Nagsabi Siya: "O Moises, tunay na Ako ay humirang sa iyo sa mga tao sa mga pasugo Ko at sa pagsasalita Ko, kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo at maging kabilang ka sa mga nagpapasalamat."

Tafsir

Nagsabi si Allāh kay Moises: "O Moises, tunay na Ako ay pumili sa iyo at nagtangi sa iyo sa mga tao sa pamamagitan ng mga pasugo Ko nang nagsugo Ako sa iyo sa kanila. Nagtangi Ako sa iyo sa pamamagitan ng pananalita Ko sa iyo nang walang isang tagapagitna. Kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo mula sa marangal na karangalang ito at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat sa Akin dahil sa dakilang bigay na ito."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah