Surah 7 · Juz 9

Al-A'raf · 7:104

وَقَالَ مُوسَىٰ يَا فِرْعَوْنُ إِنِّي رَسُولٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ

Nagsabi si Moises: "O Paraon, tunay na ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang.

Tafsir

Nagsabi si Moises noong ipinadala siya ni Allāh kay Paraon at dumating siya roon: "O Paraon, tunay na ako ay isang isinugo mula sa Tagalikha ng mga nilikha nang lahatan, Tagapagmay-ari nila, at Tagapangasiwa ng mga nauukol sa kanila."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah