Surah 65 · Juz 28
At-Talaq · 65:3
وَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لَا يَحْتَسِبُ ۚ وَمَنْ يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ فَهُوَ حَسْبُهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ بَالِغُ أَمْرِهِ ۚ قَدْ جَعَلَ اللَّهُ لِكُلِّ شَيْءٍ قَدْرًا
at magtutustos Siya rito mula sa hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay sapat na rito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad sa utos Niya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda.
Tafsir
at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi sumasagi rito sa isip at wala sa inaasahan nito. Ang sinumang sumasandal kay Allāh sa mga nauukol dito, Siya ay sasapat dito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad ng nauukol sa Kanya. Hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman at walang nakalulusot sa Kanya na anuman. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda na pagwawakasan nito kaya ang hirap ay may takda at ang kariwasaan ay may takda, saka hindi mamamalagi ang isa sa dalawang ito sa tao.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah