Surah 62 · Juz 28

Al-Jumu'ah · 62:2

هُوَ الَّذِي بَعَثَ فِي الْأُمِّيِّينَ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِهِ وَيُزَكِّيهِمْ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَإِنْ كَانُوا مِنْ قَبْلُ لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ

Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo na kabilang sa kanila na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagdadalisay sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan -bagamat sila dati ay nasa isang pagkaligaw na malinaw-

Tafsir

Siya ay ang nagsugo sa mga Arabe na hindi nakababasa at hindi nakasusulat ng isang sugo na kabilang sa lahi nila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya na pinababa Niya rito, nagdadalisay sa kanila mula sa kawalang-pananampalataya at mga kasagwaan ng mga kaasalan, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at nagtuturo sa kanila ng Sunnah – gayong tunay sila dati bago ng pagsusugo sa kanya sa kanila ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan= yayamang sila dati ay sumasamba sa mga anito, nagpapadanak ng mga dugo, at pumuputol sa ugnayang pangkaanak.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah