Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:98

وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ فَمُسْتَقَرٌّ وَمُسْتَوْدَعٌ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَفْقَهُونَ

Siya ay ang lumalang sa inyo mula sa iisang espiritu at [binigyan] ng isang pinagtitigilan at isang pinaglalagakan. Ipinaliwanag nga ang mga tanda para sa mga taong umuunawa.

Tafsir

Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, ang kaluluwa ng ama ninyong si Adan, sapagkat nagsimula ang paglikha sa inyo sa paglikha sa ama ninyo mula sa putik. Pagkatapos lumikha Siya sa inyo mula rito. Lumikha Siya para sa inyo ng titigilan ninyo gaya ng mga sinapupunan ng mga ina ninyo at ng isang pinaglalagakan na paglalagakan sa inyo gaya ng mga gulugod ng mga ama ninyo. Nilinaw nga namin ang mga tanda para sa mga taong umiintindi sa Salita ni Allāh.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah