Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:95
۞ إِنَّ اللَّهَ فَالِقُ الْحَبِّ وَالنَّوَىٰ ۖ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَمُخْرِجُ الْمَيِّتِ مِنَ الْحَيِّ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
Tunay na si Allāh ay tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si Allāh, kaya paano kayo nababaling palayo?
Tafsir
Tunay na si Allāh lamang ay ang nagbibiyak ng mga butil kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga tanim at nagbibiyak ng mga buto kaya lumalabas mula sa mga ito ang mga punong gaya ng puno ng datiles, ubas, at iba pa sa dalawang ito. Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay yayamang lumalabas ang tao at ang nalalabi sa mga hayop mula sa punlay at nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay yayamang lumalabas ang punlay mula sa tao at ang itlog mula sa manok. Yaong gumagawa nito ay si Allāh na lumikha sa inyo. Kaya papaano kayo nababaling, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan sa kabila ng nasasaksihan ninyo mula sa karikitan ng pagkakagawa Niya?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah