Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:86
وَإِسْمَاعِيلَ وَالْيَسَعَ وَيُونُسَ وَلُوطًا ۚ وَكُلًّا فَضَّلْنَا عَلَى الْعَالَمِينَ
[Nagpatnubay Kami] kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot - lahat ay itinangi Namin sa mga nilalang -
Tafsir
Nagtuon Kami, gayon din, kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Lahat ng mga propetang ito, sa pangunguna sa kanila ni Propeta Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – ay itinangi Namin sa mga nilalang.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah