Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:80
وَحَاجَّهُ قَوْمُهُ ۚ قَالَ أَتُحَاجُّونِّي فِي اللَّهِ وَقَدْ هَدَانِ ۚ وَلَا أَخَافُ مَا تُشْرِكُونَ بِهِ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ رَبِّي شَيْئًا ۗ وَسِعَ رَبِّي كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۗ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Nangatwiran sa kanya ang mga kalipi niya. Nagsabi siya: "Nangangatwiran ba kayo sa akin hinggil kay Allāh samantalang pinatnubayan na Niya ako? Hindi ako nangangamba sa anumang itinatambal ninyo sa Kanya malibang may niloob ang Panginoon ko na isang bagay. Sumasaklaw ang Panginoon ko sa bawat bagay sa kaalaman. Kaya hindi ba kayo napaaalalahanan?"
Tafsir
Nakipag-alitan sa kanya ang mga kalipi niyang mga tagapagtambal hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Nagpangamba sila sa kanya laban sa mga anito nila kaya nagsabi siya sa kanila: "Nakikipag-alitan ba kayo sa akin hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba samantalang nagtuon nga sa akin ang Panginoon tungo sa Kanya? Hindi ako nangangamba sa mga anito ninyo sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng isang pinsala para maminsala sa akin ni ng isang pakinabang para magpakinabang sa akin malibang niloob ni Allāh sapagkat ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari. Kaalinsabay ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay, walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala, O mga tao, sa kalagayan ninyo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya para sumampalataya kayo kay Allāh lamang?"
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah