Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:72
وَأَنْ أَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَاتَّقُوهُ ۚ وَهُوَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
na panatiliin ang pagdarasal at pangilagang magkasala sa Kanya yayamang Siya ay sa Kanya kayo titipunin."
Tafsir
Nag-utos nga Siya sa amin ng pagpapanatili sa pagdarasal sa paraang pinakalubos, at nag-utos Siya sa amin ng pangingilag sa pagkakasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya lamang ay ang pagtitipunan sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah