Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:63
قُلْ مَنْ يُنَجِّيكُمْ مِنْ ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ تَدْعُونَهُ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً لَئِنْ أَنْجَانَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ
Sabihin mo: "Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim, [na nagsasabi]: "Talagang kung iniligtas Niya kami mula rito ay talaga sanang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat."
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magliligtas sa inyo mula sa mga kapapahamakan na nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at dagat? Dumadalangin kayo sa Kanya lamang habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung magbibigay-kaligtasan sa amin ang Panginoon namin mula sa mga kapapahamakang ito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah