Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:61

وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۖ وَيُرْسِلُ عَلَيْكُمْ حَفَظَةً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ تَوَفَّتْهُ رُسُلُنَا وَهُمْ لَا يُفَرِّطُونَ

Siya ay ang Tagalupig sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga tagapag-ingat hanggang sa kapag dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay babawiin ito ng mga sugo Namin at sila ay hindi nagpapabaya.

Tafsir

Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Nagpapadala Siya sa inyo, O mga tao, ng mga anghel na mararangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah