Surah 6 · Juz 7

Al-An'am · 6:6

أَلَمْ يَرَوْا كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ قَرْنٍ مَكَّنَّاهُمْ فِي الْأَرْضِ مَا لَمْ نُمَكِّنْ لَكُمْ وَأَرْسَلْنَا السَّمَاءَ عَلَيْهِمْ مِدْرَارًا وَجَعَلْنَا الْأَنْهَارَ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَنْشَأْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ قَرْنًا آخَرِينَ

Hindi ba nila napag-alaman kung ilan ang nilipol Namin mula sa bago sa kanila na salinlahing pinatatag Namin sa lupa ng hindi pagkapatatag Namin sa inyo? Pinadalhan Namin ang langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at ginawa Namin ang mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, ngunit nilipol Namin sila dahil sa mga pagkakasala nila, at nagpasimula Kami mula sa matapos sa kanila ng salinlahing iba.

Tafsir

Hindi ba nakaalam ang mga tagatangging sumampalatayang ito sa kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga kalipunang tagalabag sa katarungan? Nagpahamak nga si Allāh bago pa nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa habang hindi Niya ibinigay sa mga tagatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulan na nagkakasunuran. Nagpadaloy Siya para sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sumuway sila sa Kanya kaya nagpahamak Siya sa kanila dahil sa nagawa nila na mga pagsuway. Lumikha Siya, nang matapos nila, ng mga kalipunang iba pa.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah