Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:50
قُلْ لَا أَقُولُ لَكُمْ عِنْدِي خَزَائِنُ اللَّهِ وَلَا أَعْلَمُ الْغَيْبَ وَلَا أَقُولُ لَكُمْ إِنِّي مَلَكٌ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ ۚ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ ۚ أَفَلَا تَتَفَكَّرُونَ
Sabihin mo: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh ni nakaaalam ako sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin." Sabihin mo: "Nagkakapantay ba ang bulag at ang nakakakita? Hindi ba kayo nag-iisip-isip?"
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh ng panustos para makapagsagawa ako rito ng anumang niloob ko. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid maliban sa ipinatalos sa akin ni Allāh sa pamamagitan ng pagkakasi. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel kabilang sa mga anghel sapagkat Ako ay isang sugo mula kay Allāh. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Hindi ako nagkukunwari ng anumang wala sa akin." Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Nagkakapantay kaya ang tagatangging sumampalataya na nabulag ang paningin sa katotohanan at ang mananampalataya na nakakita ng katotohanan at sumampalataya rito? Kaya hindi ba kayo nagmumuni-muni sa pamamagitan ng mga isipan ninyo, O mga tagapagtambal, sa mga nakapalibot sa inyo na mga tanda."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah